Buwan ng Wika: Wika ng Saliksik

Tayong mga Pilipino ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Ito ay ipinagdiriwang upang bigyan ng kahalagahan ang ating wika at ang malaking kontribusyon nito sa ating buhay. Ang wikang Filipino ay ang ating wika na lahat ng mamamayan sa Pilipinas ay nagkakaisa. Dito tayo nagkakaintindihan. Wikang Filipino ang nagpapalawak at nagpapabilis ng ating ekonomiya. Ang ating wika ay sadyang makapangyarihan dahil tayong mga Pilipino ay nagtutulungan para mapalawak ang ating kaalaman.

Ang ating wika ay napakaimportante sa ating bansa dahil isa ito sa pagkakakilanlan na tayo ay isang Pilipino. Tayong mga Pilipino ay naghahanap nang isang bagay na magpapaunlad pa sa ating wika. Kumbaga tayo ay nagsasaliksik pa para sa mas malawak na karunungan at ang sandata natin patungo sa ating misyon ay ang ating sariling wika, ang wikang Filipino.

Kaya tayong mga Pilipino ay magtulungan na palawakin ang ating wikang pambansa para sa karunungan ng ating bansa. 

Comments

  1. Great job, Charlotte! We should work hand in hand to reach this goal of ours so that our language, Filipino will be treasured forever.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

It was a Great Start!

Nutrition Month 2018

Christmas is Love